Unang Balita sa Unang Hirit: October 26, 2021 [HD]

2021-10-26 16

Narito ang mga nangungunang balita ngayong TUESDAY, OCTOBER 26, 2021:
- Pagsisimula ng Amihan Season, opisyal nang idineklara ng PAGASA
- DOH: Bumaba na sa low risk sa COVID-19 ang bansa pero hindi pa rin dapat maging kampante
- BOSES NG MASA: Sang-ayon ka ba na magpatupad ng panuntunan sa mga bibisita sa Dolomite Beach para makontrol ang pagdagsa ng tao?
- Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas sa ika-siyam na sunod na linggo | Mga grupo ng tsuper at manggagawa, nag-caravan kasunod ng anunsyong muling tataas ang presyo ng petrolyo | P1-B, ilalabas daw ng gobyerno bilang ayuda sa 178,000 na tsuper sa NCR, Region 3 at 4
- P6.8-M halaga ng umano'y shabu, nasabat sa buy-bust operation; dalawang suspek, arestado
- Kotse, bumangga sa UV Express at motorsiklo; tatlo sugatan
- #Eleksyon2022: Vice President Robredo: Dapat may managot sa mga pagpatay noong kampanya kontra droga | Malacañang: imbestigasyon ng DOJ, patunay na ginawa ng gobyerno ang obligasyon nito | Sen. Dela rosa, ipinaalala kay Mayor Sara Duterte na malapit na ang deadline ng substitution ng kandidato | Mayor Sara, iginiit na wala siyang planong tumakbo sa pagka-pangulo | Alok ni Mayor Sara na tulong sa kandidatura ni Bongbong Marcos, wala pang pormal na endorsement
- Mga opisyal ng GMA News na inireklamo ng copyright infringement ng ABS-CBN noong 2004, pinawalang-sala ng Quezon City RTC branch 93
- Panukala para tanggalin ang "withdrawal" o pagbawi sa kandidatura bilang basehan ng substitution, inihain sa senado
- Landslide ang paggalaw ng lupa o mga bato pababa ng bundok | Apat na kategorya ng landslide: falls, topples, slides, at flows
- MMDA: Hindi pa ibabalik ang number coding sa EDSA
- GMA Regional TV: Mga na-trap sa baha sa Davao City, ni-rescue
- GMA REGIONAL TV: 'No vaccine, no entry' policy sa mga sementeryo sa Cebu City, ipatutupad sa Undas | Ilang kontrabando, nakumpiska sa ilang bumisita sa sementeryo | 41 volunteers sa Camarines Sur, dumaan sa medical rescue training
- Tatlong paraglider sugatan sa aksidente sa international air games | Mga paandar na style ng balbas at bigote, nagtagisan sa "beard olympics" | Day of the dead, ginunita sa bansang mexico
- Ed Sheeran, nagpositibo sa COVID-19
- Ilang motorista at residente, na-stranded sa baha; baha, abot-dibdib
- Pangulong Duterte: Kailangang umabot sa 50-M ang mga fully-vaccinated bago matapos ang taon
- COVID-19 tally
- Moderna COVID-19 vaccine, epektibo at ligtas sa mga 6-11 anyos base sa pag-aaral ng kumpanya
- Ilang dadalaw sa Manila North Cemetery, maagang nagpunta
- Mga batang edad 12-anyos pababa, bawal na pumasok sa dolomite beach simula ngayong araw, ayon sa DENR
- PCRV, nagbigay ng mga rekomendasyon kasunod ng voting simulation na isinagawa sa San Juan City